Tuesday, April 8, 2008

Pamantasan ng Silangan

Yaring aking pamantasan tila isang tanghalan

Ang bawat tao dito sa lunan ng kaalaman

Mayroong kanya-kanyang papel na ginagampanan

Lahat ay mahalaga at mayroong kaugnayan


Karangalan kong maging isang tagapagganap nga

Nitong entabladong humuhubog sa akin t’wina

Talino, talento’t ugali dito’y hinuhulma

Ng mga propesor na mahusay at kay dakila


Tunay ngang bawat araw dito ay napakakulay

Ito ang aking pamantasan, ang s’yang aking tulay

Tungo sa marangal at mariwasang pamumuhay

Ang Pamantasan ng Silangan, susi ng tagumpay



PAMANTASAN NG SILANGAN
ni Leonard Gasid y Junio

No comments: