Monday, November 5, 2007

KASANIB, ang Puno ng Pag-asa




I heartily and lovely dedicated this poem to our
Makati Mayor/KASANIB Chairman Jejomar Binay,
Makati Vice-mayor/KASANIB President Ernesto Mercado,
Kasanib Foundation/Kasanib Youth Scholars Organization's Executive Officer Arturo Cruto,
and Kasanib Foundation/Kasanib Youth Scholars Organization's Program Consultant Julius Gracia.



KASANIB, ang puno ng pag-asa

Lumipas na nga ang madaming taon
Nagdaan na ang ilang henerasyon
Subalit ang may pusong organisasyon
Patuloy pa rin sa pagtulong ngayon

Sa KASANIB, may kaibigan ka
Sa KASANIB, may kapuso ka
Sa KASANIB, may kapamilya ka
Sa KASANIB, may kaagapay ka

KASANIB, isang mayabong na puno ka sa aming kinabukasan
Ikaw ang nagbibigay hangin upang matustusan aming pangangailangan
Ikaw ang nagsisilbing pundasyon ng mga pangarap naming inaasahan
Ikaw ang nagiging kulay sa mundo naming ginagalawan

Tunay ngang ugat ka ng kinabukasan
Kaya sa bawat sangay na iyong laan
Mga dahon ng pangarap ay may nakakapitan
Tungo sa bunga ng tagumpay at kaunlaran

O KASANIB, KASANIB, mahal kong KASANIB
Maraming salamat sa taglay mong tigib
Gayundin, sa pag-asa mong isinisilid
at sa kinabukasang iyong inihahatid



KASANIB, ang Puno ng Pag-asa ni Leonard J. Gasid

1 comment:

Anonymous said...

Hi,

Do you have any contact number for Kasanib youth foundation, makati - else can you give me the address??

This is urgent.

Thanks