Monday, November 5, 2007

Ugat ni Leonard Gasid y Junio

Ako ay ang ugat ng aking kinabukasan
Sa akin nakasalalay ang katuparan ng mga pangarap
Isang ugat na nag-ugat, nag-uugat at mag-uugat pa habang tumatakas yaring kasaysayan
Ako ay nananahan sa isang munting tahanan sa bahagi ng lungsod na marilag ang pamayanan
Isang pamayanan na umagapay sa akin sa mga oras ng kagipitan
At nagmulat sa akin sa maraming daan
Mga daan patungo sa kinabukasan
Kinabukasang hungkag pa rin ang katiyakan
Bata pa lamang ay bilang na sa aking buhay ang mga pagsubok o hadlang
Pagsubok na madalas ay nakababasag ng kagalakan
Ngunit ito ang tunay na nagpapatatag sa aking katauhan



UGAT ni Leonard Gasid y Junio

Diyos ang nasa loob nitong puso kung kaya't hindi madaling matinag
Sa kabila ng kabi-kabilang bilang ng mga pagsubok na kinabibilangan
Ang dugo ng aking pagmamahal para sa aking mga mahal sa buhay
ay patuloy na dumaloy, dumadaloy at dadaloy sa aking mga ugat
Upang abutin ang puso ng aking buhay
Saan man ako makarating
Ako ang taga-sagwan ng aking kapalaran
At ang bantay ng aking kaluluwa
Ako ang ugat na nagpapadaloy sa dugo ng aking buhay
Ako ang Ugat...na nag-ugat...nag-uugat...at mag-uugat pa

No comments: